Isa pang bata ang na-ospital dahil sa dengue kahit binakunahan ng kontrobersyal na Dengvaxia sa Cebu.
Kasalukuyang naka-confine sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City ang sampung taong gulang na lalaki.
Ayon ka Jenny Ababon, nilagnat ang kanyang anak noong Lunes na sinundan ng pagdurugo ng ilong nito kaya’t hindi na sila nagdalawang-isip na isugod ito sa pagamutan.
Dahil dito, naalarma ang kanilang mga kapitbahay sa Barangay Lawaan Tres sa Talisay City dahil sa pangamba na magkasakit din ang kanilang mga anak na binigyan ng Dengvaxia Vaccination noong Agosto.
Samantala, patuloy na tinututukan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng Department of Health sa Central Visayas ang kondisyon ng bata.