Isang pitong taong gulang na lalaki ang nasawi sa rabies sa Quezon.
Ayon sa mga otoridad, ang biktimang si Kenneth Brios ng Barangay Casispalan sa bayan ng Tagcauyan ay nakagat sa mukha ng kaniyang alagang tuta.
Sinabi naman ng pamilya ni Brios na kaagad nilang ipinagamot ang bata sa albularyo at ipinasipsip ang rabies mula sa katawan ng biktima.
Makalipas ang sampung araw ay namatay ang tuta subalit hindi naalarma ang pamilya ng biktima dahil tiniyak nito na maayos na ang kondisyon ng bata na pinatunayan pa ng pagpasok nito palagi sa paaralan.
Subalit nitong nakalipas na weekend ay nag reklamo ang biktima ng paninikip ng dibdib at nakita nilang nangitim na ang labi at mga kamay nito kayat isinugod ito sa Tagcauyan District Hospital at kinumpirma ng doktor na naimpeksyon na ng rabies ang bata.
Kaagad ipinalipat ng doktor ang bata sa RITM sa Alabang subalit hindi pa nakakalayo ng Tagcauyan ay ambulansyang nagsakay dito ay binawian na ng buhay ang bata.
Kaagad namang nagpa turok ng anti rabies vaccine ang mga nakasalamuha ng bata.