Patay ang isang pitong taong gulang na babae matapos masagasaan ng bus sa isang terminal sa Maynila.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District, naka-park sa loob ng Philippine Rabbit Bus Terminal ang bus.
At nang umandar ito ay aksidenteng nasagasaan ang biktima na naglalaro umano ng tagu-taguan na dahilan ng agaran nitong pagkamatay.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang drayber ng bus. —sa panulat ni Joana Luna