Nasawi ang isang menor de edad sa Estados Unidos dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito rin ang kauna-unahang naitalang pagkasawi sa US dahil sa nasabing sakit.
Ayon kay Los Angeles Mayor Eric Garcetti, nasa magandang kondisyon ang nasabing bata bago ito dapuan ng COVID-19 ngunit hindi ito nakaligtas sa sakit.
Ani Garcetti malinaw na ipinapakita nito na hindi lamang sa mga matatanda mapanganib ang COVID-19.
Payo ni Garcetti sa mga kabataan, mag ingat dahil hindi namimili ng edad ang kumakalat na virus.