Kadalasan, humihingi ng tulong ang mga tumatawag sa mga emergency hotlines, ngunit ibahin n’yo ang isang bata sa New Zealand na tumawag sa emergency line upang imbitahan ang mga pulis sa kaniyang birthday party.
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Isang bata sa New Zealand na nagngangalang Zachary ang tumawag sa emergency hotline, hindi para magreport ng emergency o krimen, kundi para imbitahan ang mga pulis na um-attend sa kaniyang police-themed 5th birthday party!
Upang masigurong maayos ang lahat, tumawag ang operator ng emergency line sa bahay ng bata kung saan ang nakasagot dito ay ang nanay mismo na si Sarah. Nang malaman ni Sarah ang ginawa ng anak ay nag-sorry ito sa mga otoridad dahil hindi niya raw alam ang ginawa ng kaniyang anak.
Kaugnay nito, hindi naman nangako ang dispatcher na makakapunta sila ngunit ipinaalam pa rin nito sa kaniyang mga kasamahan ang nasabing imbitasyon.
Sa mismong kaarawan ni Zachary, bigla na lamang dumating ang mga pulis at hinahanap ang celebrant.
Nagtawanan ang mga bisita nang tumanggi si Zachary sa alok ng pulis na makipag-usap dito. Pero nang abutan siya nito ng stuffed toy na may suot na police jacket ay inimbita niya ang mga pulis na pumasok sa kanilang bahay.
Matapos noon ay niyaya ng mga pulis ang mga bata na tingnan ang kanilang gears at pinahintulutan pa ang mga ito na sumakay sa kanilang police car.
Kasama ang mga pulis nang kantahan ng happy birthday song si Zachary at pinost pa ng Auckland City District Police sa kanilang social media page ang dinaluhan na birthday party.
Naging masaya ang mga dumalo na pulis sa paghahatid ng saya, gayunpaman, sinabi ng mga ito na mas mabuti kung handwritten invitations ang gagamitin sa susunod at hindi na ang emergency hotlines.
Ikaw, anong masasabi mo sa nakatutuwang kwento na ito?