Isang batalyon ng SAF Commandos ang itatalaga sa New Bilibid Prison sa muntinlupa.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, ito’y base na rin sa hiling ng Department Of Justice na bantayan ng mga Special Forces ang Bilibid na naglalayon na matigil ang pamamayagpag ng iligal na droga sa nasabing piitan.
Sa ngayon, isandaan lamang muna ang ide-deploy sa Bilibid, pero nagsasanay na ang kabuuang 500 SAF Commandos.
Paliwanag ni Dela Rosa, maituturing na National Emergency ang problema sa illegal drugs kung kaya’t kinakailangan ang special units ng PNP para masolusyunan ang problemang ito.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal