Nagpadala na ng isang batalyong pulis ang Police Regional Office 6 sa Boracay.
Ito ay bahagi nang paghahanda para sa posibleng pag-aaklas sa Boracay matapos aprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong anim na buwang pagpapasara sa isla para sa kaukulang rehabilitasyon.
Ayon kay PRO-6 Deputy Regional Director for Administration Chief Superintendent Carlito Feliciano, sinanay ang mga naturang pulis sa civil disturbance management at mahigpit na binilinan sa pagpapatupad ng maximum tolerance.
Tiniyak ng pamunuan ng PRO-6 na walang malalabag na karapatang pantao sa mga magpoprotesta sa pagpapasara ng Boracay.
—-