Tinatayang 700 sundalo o mahigit isang batalyon mula sa Philippine Airforce, Army at Navy ang inalerto ng armed forces para sa mga protesta sa labor day celebration, ngayong araw.
Ayon kay Brig. Gen. Allan Arrojado, commander ng A.F.P. Joint Task Force-N.C.R., hindi ikakalat sa mga kalsada ang mga naturang sundalo at naka standby lamang sa kani-kanilang mga kampo hanggat hindi nagpapasaklolo ang P.N.P.
Sa ngayon, tulad ng P.N.P. walang namomonitor na banta sa seguridad ang militar para sa araw ng paggawa.
Libu-libong raliyista na karamiha’y nagmula sa iba’t ibang labor group ang inaasahang maglulunsad ng kaliwa’t kanang protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ngayong araw.