Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Dingras sa Ilocos Norte dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue.
Ito ay matapos pumalo sa 65 ang kaso ng dengue sa naturang bayan sa loob lamang ng dalawang linggo na ikinasawi naman ng isang 6-taong gulang na bata.
Kasabay nito, nagsagawa na ng fumigation activities ang lokal na pamahalaan ng Dingras para hindi na kumalat pa ang dengue sa lugar.
Samantala, nagdeklara naman na ng outbreak ng dengue ang Itbayat, Batanes.
Nasa 20 residente dito ang kinailangang isakay ng helicopter ng Philippine Air Force para madala sa ospital.
Isa na ang naitatalang nasawi dahil sa dengue sa Itbayat, Batanes.
—-