Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng San Isidro, Leyte dahil sa pinsalang dulot ng tagtuyot dulot ng El Niño phenonemon.
Natuyot na ang tubig sa mga ilog at creek, balon na pinagkukunan ng tubig ng mga residente habang magkabitak-bitak na rin ang mga palayan sa naturang lugar bunsod ng apat na buwang walang ulan.
Ayon sa municipal agriculture office, nasa pitundaang magsasaka na ng palay at mais ang apektado ng tag-init sa kanilang bayan maging ang mga pananim na gulay.
Aabot naman sa P13 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa San Isidro.