Isinailalim na sa state of calamity ang isang bayan sa Maguindanao dahil sa matinding pagbaha.
Mahigit 6000 pamilya sa bayan ng Datu Montawal ang apektado ng pagbaha matapos umapaw ang Pulangi River, Rio Grande de Mindanao at Liguasan Marsh.
Nalubog sa tubig baha ang dalawang barangay sa nasabing bayan kabilang ang kanilang municipal hall.
Tuluy tuloy naman ang relief operations para sa mga apektadong residente lalo na yung mga hindi pa na e-evacuate sa ligtas na lugar.
Kasabay nito nanawagan ang local government sa national government na isulong na ang paghuhukay sa Rio Grande de Mindanao lalo na’t mababaw na ito.
By: Judith Larino