Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Matalam sa North Cotabato.
Ito ay dahil sa tumitinding sagupaan ng dalawang pamilya mula sa Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Barangay Kidama Chairman Felipe Maluenda, sa pamamagitan ng naturang deklarasyon ay magagamit na ng mga barangay ang calamity funds ng bayan para sa relief operations.
Batay sa report, 6 na ang patay habang tatlong iba pa ang sugatan dahil sa hindi mapagkasunduang pagmamay-ari ng lupa sa Matalam.
Aabot naman na sa 115 pamilya ang lumikas dahil sa takot na madamay sa hidwaan sa pagitan ng isang pamilya sa MNLF at MILF.
By Ralph Obina