Natupok ang isang beach café sa nangyaring sunog sa Brgy. Miranda, Pontevedra, Negros Occidental.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog mula sa kusina ng Eleven Café and Beach Resort.
Naapula ang sunog matapos ang 20 minuto. Wala namang nadamay na kalapit na bahay o istraktura.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na may pinsalang umabot sa P330,000.