Kung hindi mo pa nahahanap si ‘the one’ dahil sa sunud-sunod na heartbreaks na pinagdaanan mo, wag kang mag-alala dahil mayroon ding kukusang lalapit sa’yo, katulad ng trabaho. Alam mo ba na ang mga kagaya mo na dumaan sa heartbreak ang hinahanap ng isang kumpanya sa India?
Kung anu-ano ang job requirements, alamin.
Kamakailan ay namataan sa social media ang job posting ng mentoring and consulting platform na Bengaluru-based company na Topmate.
Dahil digital na ngayon, hindi na bago sa atin ang makakita ng mga kompanya na naghahanap ng mga aplikante sa social media.
Pero ang job posting ng marketing lead ng topmate na si Nimisha Chanda, sobrang kakaiba, kapansin-pansin, at tila sobrang dali ring apply-an?
Ang topmate kasi, hiring ng Chief Dating Officer o CDO. Sinabi ni Nimisha sa kaniyang post na ang hanap nila ay taong eksperto sa dating culuture at marunong mag-decode ng breadcrumbing at love-bombing.
Ang requirements? Simpleng-simple lang.
Kung dumaan ka na sa isang breakup, dalawang situationship, at nakipagdate ng tatlong beses, ihanda mo na ang resume mo para makapag-apply.
Dapat ay mayroon ding kaalaman ang applicant tungkol sa mga ginagamit na dating terms ng mga kabataan ngayon at may kakayahan na gumawa ng sarili.
Kasama rin sa requirements na dapat ay nakagamit na ng dalawa hanggang tatlong dating apps ang mga interesado sa posisyon ng CDO.
Dahil nga kakaiba, marami ang nag-reply sa naturang post. Mayroong mga nagtanong kung eligible ba sila na mag-apply sa posisyon. Sinabi ng isa na mayroon daw siyang PHD na may kaugnayan sa job opening, habang ang isang netizen naman ay sinabi na lagi raw siyang naglalaro ng FLAMES noon sa school.
Ikaw, interesado ka ba na mag-apply para sa posisyon na ito?