Nakatakas ang isa sa limang manggagawang binihag ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.
Kinilala ang biktimang si Jenly Miranda, 38 anyos, na binihag ng ASG mula staff house ng Kawmpang Elementary School Sports Complex sa Patikul, noong Sabado, Hulyo 15.
Nakalusot si Miranda mula sa plastic rope na itinali sa kanya maging sa kanyang mga kapwa bihag.
Tatlong oras na tumakbo ang biktima hanggang makarating sa barangay hall at pinaka-malapit na kampo ng 45th infantry battalion hanggang sa dalhin siya sa headquarters ng Joint Task Force Sulu at binigyan ng paunang lunas matapos magtamo ng bali sa kanang paa.
By: Drew Nacino
Isang bihag ng ASG mula sa Patikul Sulu nakatakas mula sa mga bandido was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882