Matagumpay na naharang ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) at ang Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ang pag-alis sana ng isang biktima ng illegal recruitment sa Clark International Airport.
Ayon sa mga BI, ang naturang biktima ay palipad sanang Dubai noong Abril a-singko.
Paliwanag ng mga kawani ng BI, na nabatid nilang may kahina-hinala sa biktima nang mapansin na hindi magkakapareho ang ilan sa mga detalye na nakapaloob sa kanyang mga ipinipresentang dokumento.
Ito na ang naging dahilan para isailalim ang biktima sa malalimang pag-iimbestiga at napag-alamang kanselado na pala ang working visa nito sa pupuntahan sanang bansa.
At mayroon na lamang itong ‘active tourist visa.’
Ayon sa BI, isa itong modus na kung saan ay ang isang OFW na may paso nang visa at kontrata at bibigyan ng bagong tourist visa para lang makabyahe at saka na ito ilegal na magtatrabaho sa ibayong dagat.
Sa huli, dinala ang biktima sa POEA para sa tulong na ibibigay sa kanya ng pamahalaan.