Matagumpay ang naging pagpasyal sa kalawakan ng bilyonaryong negosyante na si Richard Branson.
Ito ay matapos maabot ng virgin galactic rocket ship ni Branson ang dulo ng kalawakan sa nasabing makasaysayang biyahe mula sa spaceport America.
Lumutang si Branson at crew nitong dalawang piloto at tatlong mission specialists ng hanggang apat na minuto bago unti unting lumapag sa runway landing ang naturang rocket ship na ang biyahe ay naantala pa ng mahigit isang oras dahil sa sama ng panahon.
Itinuturing namang magical ni Branson ang sandaling pamamasyal sa kalawakan gamit ang rocket ship na 17 taong binuo at una nang ipinangalan sa ina nitong si Eve. —sa panulat ni Hya Ludivico