Nanlulumong dumulog sa Pulisya ang lola ng isang binatilyo sa Pakil, Laguna.
Ito’y matapos umanong ideklarang patay ng Gen. Cailles Hospital sa naturang bayan.
Ayon sa lola ng biktima na si Elizabeth Rabutazo, puno ng pasa sa katawan ang kaniyang apo na si Reymart Madrazo nang umuwi ito sa kanilang bahay.
Lumutang sa paunang imbestigasyon na sumailalim si Madrazo sa initiation rites o hazing ng isang fraternity sa bulubunduking bahagi ng Twin Falls sa Brgy. San Juan sa bayan ng Kalayaan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa kung sinu-sino ang nasa likod ng naturang hazing at kung may iba pang kasama ang biktima nang gawin ito.