Paghihiganti ang isa sa mga tinitingnang anggulo ng Manila Police District (MPD) sa nangyaring pagpatay ng isang hindi pa kilalang salarin sa 14 anyos na binatilyong si DJ Cabilin sa Tondo, Maynila.
Ayon kay MPD Spokesman P/Ltc. Carlo Magno Manuel, nakapagtatakang alam na ng salarin na nasa covered court si Cabilin nang mga oras na isakatuparan nito ang krimen.
Inaalam na rin ng pulisya ayon kay Manuel kung sino – sino ang mga nakaaway ng pobreng binatilyo lalo’t nakaupo lamang ito sa court ng barangay 56 nang bigla na lamang pagbabarilin ng salarin batay sa kuha ng CCTV sa lugar.
Todo hinagpis naman ang pamilya ng biktima lalo’t hindi pa nakauuwi ang kanilang padre de pamilya na nais sanang masulyapan sa huling pagkakataon ang kanilang anak.
Kahapon, naipa-cremate na ang biktima matapos namang magpositibo nito sa COVID-19 mula nang pumanaw ito noong Miyerkules.