Isang babaeng Bolivian ang naaresto ng Ninoy Aquino International Airport Drug Interdiction Task Group dahil sa pagtatangkang magpuslit ng high-grade liquid cocaine.
Kinilala ang suspek na si Maria Hinojosa Bazan, 50-anyos na natiyumpuhan sa isang routine customs baggage inspection.
Dumating si Bazan sa NAIA Terminal 1 sakay ng Ethiopian Airlines Flight ET 628 mula Addis Ababa, Ethiopia via Bangkok, Thailand.
Nakumpiska mula sa dayuhan ang hindi pa mabatid na halaga ng cocaine na nakatago sa lining ng kanyang jacket.
By Drew Nacino / Story and Photo by: Raoul Esperas (Patrol 45)