Isang improvised explosive device o IED ang sumabog malapit sa bahay ni Isabela City Mayor Alquid Akbar sa Basilan, kagabi.
Pasado alas-6:00 nang sumabog ang IED sa kalsada sa barangay Sumagdang.
Wala namang nasaktan sa insidente habang inaalam na ng mga pulis kung ang alkalde o kanyang pamilya ang target sa pambobomba.
—-