Planong makipag-dayalogo sa Philippine National Police (PNP) ang isang broadcast media organization sa bansa.
Kasunod ito ng kontrobersyal na pagbisita ng mga Pulis sa bahay ng mga mamamahayag sa Metro Manila kamakailan.
Ayon sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) president Herman Basbaño, magandang solusyon ang pagkakaroon ng pag-uusap sa pagitan ng PNP at mga miyembro media upang maliwanagan ang lahat.
Sinabi ni Basbaño na alanganin ang biglaang pagbisita ng mga Pulis sa tirahan ng mga media personality na dapat ay idinidaan sa Media entity o Media office at media organization.
Dagdag pa ni Basbaño, mahalaga na mapag-usapan ang isyu para makabuo ng mekanismo para sa proteksyon ng mga mamamahayag.