Patay ang isang babaeng TV anchor at ang kanyang driver matapos tambangan sa Nangarhar, Afghanistan.
Ayon sa mga awtoridad, papasok na sa trabaho sa Jalalabad city si Malalai Maiwand ng Enikass Radio & TV channel nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Maliban kay Maiwand, nasawi rin ang hindi pinangalanang driver ng journalist.
Sinasabing si Maiwand ay kilala bilang aktibista at nakikipaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan.
Wala pang umaakong grupo sa naturang pag-atake.