Madalas na nagha-hiking ang mga tao dahil itinuturing nila itong exercise, nakatutulong sa mental health, at mayroong sense of accomplishment dahil sa ganda ng view na makikita sa tuktok ng bundok. Ngunit, ang isang bundok sa China nilagyan ng escalator!
Kung bakit, alamin.
Mayroong bundok na tinatawag na Tanyu mountain sa probinsya ng Zhejiang sa China na mayroong taas na 350 meters na mayroong tatlong bundok sa paligid na kinakailangan upang marating ang tuktok.
Dahil dito, naging mas mahirap para sa mga matatanda at mga bata na marating ang summit. Pero maniwala man kayo o hindi, posible at madali na para sa lahat na marating ang peak ng bundok nang walang kapagud-pagod dahil mayroon na itong… escalator.
Ayon naman sa isang trabahador na tumulong sa pag-install ng escalator, ang orihinal daw na dahilan ng paglalagay nito sa bundok ay upang maresolba ang trapiko sa pag-akyat dito.
Mayroon itong ticket na nagkakahalaga ng 30 Yuan o 4 U.S. Dollars at bumaba rin ang 50 minute travel time nito sa sampung minuto.
Ayon pa sa trabahador, kinunsidera rin daw nila ang pagkakabit ng cableway ngunit mas ligtas at mas mataas ang kapasidad ng escalator kumpara rito, at isa pa ay mas matatanaw at mararamdaman ng mga turista ang magandang view mula roon.
Gayunpaman, kahit na maituturing itong convenience para sa ilang mga turista, sa paningin ng mga hiking enthusiasts tinatanggal nito ang tunay na purpose ng hiking.
Ikaw, anong masasabi mo sa kakaibang inobasyon na ito na makikita sa isang bundok?