Hindi bababa sa 33 katao ang nasawi matapos mahulog sa isang malalim na bangin ang kanilang sinasakyang bus sa kanlurang bahagi ng India.
Ayon sa administrator ng Raigad District, lulan ng nahulog na bus ang nasa 34 na empleyado ng Dapoli Agriculture University na patungo sana sa isang sikat na hill station sa Mahabaleshwar para mag-picnic.
Agad naman rumesponde sa lugar ng aksidente ang mga mabulansya at 15 mga doktor habang nagpadala na rin ng mga tauhan ng National Disaster Response Force para tumulong sa operasyon.
Samantala, ikinalungkot naman ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang insidente at nagpaabot na rin ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.