Inilabas ng pamunuan ng LTO ang isang show cause order laban sa Kellen Transport Incorporated maging sa driver ng naturang bus hinggil sa sobrang tuling pagpapatakbo ng driver habang dumaraan sa EDSA Busway.
Ayon sa pamunuan ng LTO, pinahaharap na nila ang driver ng bus at pamunuan ng bus company hinggil sa pangyayari.
Giit pa ng LTO, dapat ding magpaliwanag ang driver at Kellen Transport Incorporated kung bakit hindi nito dapat tanggalan ng prangkisa at lisensya.