Sinibak sa pwesto ang isang mataas na opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP matapos masangkot sa umano’y pangingikil.
Kinilala ang opisyal na si CAAP Airworthiness Inspector Colonel Rodolfo Moral.
Ayon sa Department of Transportation, isinumbong ng isang religious group si Moral matapos manghingi ng malaking halaga ang opisyal kapalit ng airworthiness certification.
Dahil dito nagsagawa ng imbestigasyon ang CAAP upang makumpirma ang ulat at nabatid na ilang beses na itong ginawa ni Moral.
Bukod sa pagkakasibak sa pwesto, posibleng maharap pa sa kasong paglabag sa corrupt practices act ang opisyal.