Tatlong indibidwal ang iniulat na nawawala makaraang bumagsak ang isang cargo plane sa Indonesia.
Ayon sa mga opisyal, nawalan ng contact sa air control ang Rimbun air flight ilang sandali bago lumapag sa paliparan ng Intan Jaya, Papua region.
Sinabi naman ni Papua Police Spokesman Ahmad Mustofa Kamal,posibleng nagkaproblema dahil sa sama ng panahon.
Natagpuan naman ang mga debris ng twin otter 300 aircraft sa kalapit ng lugar kung saan ito bumagsak.
Patuloy nang paghahanap ng mga otoridad sa mga nawawalang indibidwal.—sa panulat ni Hya Ludivico