Madalas ay pictures, simpleng post, o hindi naman kaya ay video form ang content ng mga social media influencers. Pero ang isang influencer sa Colombia, paano nga ba nauwi sa pagkakakulong dahil sa pag-upload ng isang partikular na video?
Kung ano ang nasa video, alamin.
Taong 2019 sa ilalim ng pamumuno ng dating Presidente ng Colombia na si Iván Duque nang magsagawa ng protesta ang mga tao laban sa gobyerno.
Nag-post naman ang social media influencer na si Daneidy Barrera Rojas o kilala rin bilang Epa Colombia ng video sa kalagitnaan ng protesta kung saan makikita na nag-vandalize siya sa pader gamit ang spray paint at nagbasag ng bintana, card reader, at access register ng isang transportation station gamit ang martilyo.
Pinag-usapan at inimbestigahan naman ang insidente kung saan nasintensyahan si Daneidy ng tatlong taon at kalahati na pagkakabilanggo dahil sa property damage and disruption of public transportation.
Humingi ng tawad ang influencer pero matapos umapela ng prosecutor’s office ay nadagdagan pa ang sintensya ni Daneidy at naging limang taon at tatlong buwan na ng pagkakakulong dahil din sa reklamong Incitement to Commit a Crime for Terrorist Purposes.
Wala na ring nagawa ang abogado ni Daneidy kahit na umapela pa ito para sana mabawasan ang kaniyang sintensya.
Samantala, nag-post naman ng video si Daneidy kung saan makikita itong umiiyak matapos makatanggap ng warrant habang papauwi mula sa trabaho at sinabi na gusto raw niyang ipaayos at bayaran ang pinsala na idinulot niya noon.
Ikaw, anong masasabi mo sa kwento na ito?