Kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Ryan Alvin Rivera Acosta bilang commissioner ng Civil Service Commission (CSC) na manunungkulan hanggang Pebrero a–2, taong 2027.
Sa confirmation hearing, tinanong siya ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung posibleng mabawasan ang patuloy na lumalaking bilang ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.
Tugon ni Acosta, kailangang pag-aralan kung bakit laging kumukuha ang mga local government unit ng mga manggagawa para sa non-plantilla positions.
Sa ngayon anya ay mayroong 52,378 job orders at contract of service workers sa gobyerno at karamiha’y nasa mga lokal na pamahalaan.
Kinumpirma rin ng CA ang ad interim appointments ng anim na heneral at sampung senior officials ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na umakyat sa ranggong colonel.
Kabilang dito si Maj. Gen. Augustine Malinit, Commander ng Air Defense Command ng Philippine Airforce. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)