Isinailalim sa 2 linggong granular lockdown ang isang residential compound sa Antipolo City matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang residente nito.
Bukod sa isang nagpositibo, pitong iba pa ang nakitaan ng sintomas ng naturang sakit.
Kaugnay nito, hindi papayagang makalabas ang mga residente ng Sitio Pasong Palanas sa barangay San Juan.
Nabatid ng mga otoridad na 19 na mga residente ang dumalo sa libing ng isang nasawing COVID-19 positive.
Tiniyak naman ni City Government Spokesperson Dr. Casimiro “Junjun” Ynares, III na mabibigyan ng food packs ang mga apektadong residente. —sa panulat ni Hya Ludivico