Isang lalaking construction worker ang nasakote sa buy-bust operation sa Zamboanga City.
Nasabat mula sa hindi pinangalanang suspek ang sampung malalaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, natiklo ang suspek sa parking lot ng isang mall, kagabi.
Napag-alaman ng PDEA na may koneksyon ang lalaki sa isang pulis na nakatakas sa nakaraang operasyon ng mga otoridad.
Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.—sa panulat ni Drew Nacino