Isang convalescent plasma center ang binuksan ng Philippine Red Cross.
Ayon kay Senador Richard Gordon, pangulo ng Red Cross malaki ang maitutulong ng nasabing Plasma Center sa port area sa Maynila para tugunan ang pangangailangan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Tinawag ni gordon bilang armas laban sa COVID-19 ang nasabing plasma center kung saan ayon sa mga duktor ng pgh ay makakatulong sa recovery ng siyam mula sa 10 pasyente ng COVID-19 .
Sinabi ni gordon na bukas ang plasma center sa COVID-19 survivors mula 18 hanggang 65 years old at maaari lamang makipag ugnayan sa Red Cross hotline 143 o 09175820499.