Bukod sa mismong seremonya ng kasal, ang pre-nuptial shoot ang isa sa pinaka-pinaghahandaan ng mga bride at groom dahil magsisilbi itong remembrance ng kanilang milestone.
Pero ang isang couple sa Iloilo, nagsagawa ng napakasimple ngunit sobra namang kakaibang prenup shoot.
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Kamakailan ay nag-viral sa social media ang pre-nuptial photos ng couple na sina Ken at Arlyn na ngayon ay mayroon ng 19k reactions, 1.7k comments, at 6.5k na shares at patuloy pang dumadami.
Sa mga litrato na kinuhanan ng photographer na si Janno Hunkz Sonza, makikita ang magkasintahan na mayroong simpleng kasuotan na green long sleeves na mayroon pang malaking print ng “Tupad” sa harapan at parehong nakasuot lamang ng shorts at tsinelas.
At para makumpleto ang kanilang get up, mayroon pa silang props na walis, dustpan, at basurahan at umakto na para bang abala sila sa paglilinis sa kalsada habang may halong sweetness.
Ang “Tupad” o tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers ay isang programa ng department of labor and employment o dole na layuning magbigay ng oportunidad sa mga displaced, marginalized, at disadvantaged workers.
Kaugnay nito, kinagiliwan naman ng netizens online ang simple ngunit walang katulad na photoshoot na ito, kung saan agad na dinagsa ng pagbati at mga nakakatuwang komento mula ang couple mula sa mga netizen, tulad nang komentong, “natupad ang pangarap sa tupad.”
Ikaw, ano ang unique na pre-nup photoshoot ideas na naiisip mo?