Isang 16-anyos na dalagita ang hindi pinayagang makabiyahe sa Davao City makaraang magpakawala ng bomb joke sa terminal ng bus na mahigpit na ipinagbabawal ng batas.
Sinabi nito sa mga guwardiya na may lamang bomba ang kanyang dalang bag dahilan para hindi siya payagang makabiyahe.
Depensa ng babae na bumiyahe sa Davao mula Samal Island, biro lamang ang kanyang sinambit at hindi niya batid na may umiiral na batas hinggil dito.
Nakasaad kasi sa presidential decree 1727 o ang Bomb Threat Law, may katapat na limang taong pagkakabilanggo at P40,000 multa ang sinumang magbibiro ng patungkol sa pampasabog sa mga pampublikong lugar.
Ngunit dahil menor de edad, hindi na inaresto ang babae sa halip, isinailalim na lamang ito sa counselling.
By Jaymark Dagala