Instant tourist spot sa General Santos City ang isang dambuhalang butanding.
Ayon sa ulat, ito raw ang unang pagkakataon na may nakitang butanding sa lugar pero hindi naman ito ang una na may napadpad na ganoong uri ng lamang dagat sa baybayin ng gensan.
Nitong nakaraang linggo naman ay may namataan na rin na butanding malapit sa Barangay Dadaiangas South.
Pinuntahan na ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa Calumpang at pinalalahanan ang mga tao na huwag hawakan ang mga butanding.—sa panulat ni Rex Espiritu