Patay ang dating gobernador ng Jalisco, Mexico na si Aristoteles Sandoval matapos pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang salarin.
Ayon sa pulisya, sinundan ng isang lalaki si Sandoval nang pumasok ito sa CR o comfort room ng isang restoran at doon ito pinagbabaril.
Hinihinalang may mga kasamahan din ang salarin sa labas ng resto nang isagawa ang krimen.
Nabatid na may labin-limang police bodyguards si Sandoval sa labas nang mangyari ang krimen pero walang nagawa ang mga ito.
Ang Jalisco ay sinasabing teritoryo ng Jalisco New Generation Cartel na isa sa mga pinakamakapangyarihang criminal gangs sa naturang bansa.