Timbog ang isang dating kandidata ng Binibining Pilipinas at isa pang kasamahan nito sa drug raid sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Kinilala ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang mga suspek na sina Joseph Bayquen Jr. at Maria Sofia Gloria Mustonen.
Si Bayquen ay sinasabing nagbebenta ng droga sa call center agents samantalang mahigpit namang itinanggi ni Mustonen na sangkot siya sa operasyon ng illegal drugs.
Nasabat sa nasabing raid ang mahigit dalawandaang (200) gramo ng shabu, cocaine, ilang ecstasy pills, drug paraphernalia at dalawang armas.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.
By Judith Estrada – Larino