Sumuko sa militar ang isang dating miyembro ng Dawlah Islamiya – Maute Group sa Lanao Del Sur.
Ayon sa Western Mindanao Command o WESMINCOM, kinilala ito na si Saidoden Macaraya Maute na sumuko naman sa 49th Infantry Battalion sa Barangay Poblacion, Bayabao.
Si Maute ay ni-recruit ng dating sub leader ng Dawlah Islamiya – Maute ISIS group na si Mohammad Khayam Romato Maute alyas “Otto” na nasawi naman sa kasagsagan ng Marawi siege.
Kasamang isinuko ni Maute ang isang m-79 grenade launcher at isang 40 millimeter na high explosive.
Kasalukuyan namang sumasailalim sa custodial debriefing si Maute sa headquarters ng 49th Infantry Battalion.