Ihaharap na testigo ni Senador Francis Escudero ang isang dating opisyal ng COMELEC para patunayan ang discrepancies nuong 2016 elections.
Sa Joint Congressional Oversight Committee hearing ibinunyag ni Escudero ang hawak niyang records na magpapakita na maraming back up SD memory card na ginamit nuong 2016 elections ang hindi mirror image ng orihinal na memory cards.
Sinabihan ni Escudero si COMELEC Commissioner Robert Lim na hindi maasahan ang makatuwirang resulta ng canvassing ng 2016 elections hanggang sa pinakahuling boto kung hindi alam kung alin ang ginamit na back up at alin ang ginamit na main.
Sa susunod na pagdinig ay ihaharap ni Escudero ang testigo niyang dating COMELEC official gayundin ang records hinggil sa napakaraming ginamit na back up memory cards.
Mas maganda aniya na mismong testigo ang magsabi na hindi mirror image ang back up drive mula sa main drive.