Dinakip ng Philippine National Police ang isang dating television personality at flight stewardess matapos umanong magpadala ng bomb threat sa ilang airline companies sa pamamagitan ng e-mail.
Si Janette Alano Tulagan ay sinilbihan ng arrest warrant ng mga operatiba ng PNP Anti-Cybercrime Group sa kanyang tahanan sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.
Ayon kay ACG spokesperson, Chief Insp. Artemio Cinco Jr., nagreklamo ang isang airline company makaraang makatanggap ng bomb threat mula sa e-mail address na abubakarsahid@yahoo.com kung saan binanggit dito na may sasabog na bomba noong Hulyo 13.
Agad namang natukoy ng ACG ang IP address ng e-mail sender na nagmula umano sa cellphone ni Tulagan, bagay na itinanggi ng suspek.
Mahaharap si Tulagan sa kasong paglabag sa Presidential Decree no. 1727 o Anti-Bomb Joke Law.