Patay ang isang dating TV presenter at dalawa pang sibilyan matapos sumabog ang sinasakyan nilang kotse sa Kabul, Afghanistan.
Ang isa sa mga nasawi na si Yama Siawash ay dating tagapagbalita ng Tolo TV bago pumasok sa central bank bilang adviser.
Sa imbestigasyon, nasa loob ng sasakyan si Siawash at ang dalawang kasamahan nito nang biglang sumambulat ang bomba.
Wala pang grupong umako sa naturang pag-atake.