Sugatan ang isang Hong Kong national na chef matapos ang gas leak explosion sa isang restaurant sa Quezon City kaninang mag-aalas-9:00 ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Cheung Konkwan na ngayon ay nasa ospital na.
Batay sa inisyal na impormasyon ng Quezon City Police na nangyari ang pagsabog sa Teddyman Restaurant sa loob ng Z Square Building sa Banaue, barangay Manreza.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing pagsabog.
—-