Binawian ng buhay ang isang 50-taong gulang na lalaki bago nagsimula ang taunang traslacion ng Itim na Nazareno sa Maynila, kaninang umaga.
Ayon sa Manila Police Department o MPD, hinimatay sa Evangelista Street ang hindi pinangalanang biktima na pauwi na sana matapos dumalo sa misa sa simbahan ng Quiapo.
Sinasabing nabagok ang ulo ng deboto nang mawalan ito ng malay at mabuwal sa naturang lugar.
Idineklarang dead on arrival sa ospital ang nasabing deboto.
By Jelbert Perdez