Arestado ang isang doktor na nagbebenta ng overpriced thermal scanners na donasyon lang sa kanyang pinamumunuang organisasyon sa Quezon City.
Nakuha mula sa suspek na si Dr Cedric John Sarmiento ang 150 infrared thermometers na ibinebenta ‘di umano sa halagang P9,500 ang bawat isa.
Ayon sa NBI, ang Suggested Retail Price (SRP) lamang para sa kada thermal scanner ay nasa 800 hangang P1,500 kada isa.
Sinasabing ang mga ibinebenta ni Dr. Sarmiento ay donasyon sa kanya bilang chapter president ng Lions Club.
Kasong profiteering at hoarding ang kakaharaping kaso ng doktor.