Nagbabala si Dra. Anna Cabel ng QC Veterinary Office kaugnay sa mga bumibili ng lechon online.
Ayon kay Dra. Cabel, dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng lechon, napipilitan nalang bumili ang ilan sa online na mas mura kaysa sa ilang tindahan ng lechon.
Umaabot na kasi ngayon sa 7,500 pesos ang presyo ng mababang timbang ng lechon habang aabot naman sa 15,000 pesos ang 28 kilos nito.
Ipinaliwanag ni Dra. Cabel na hindi sigurado ang mga produktong ibinebenta online dahil dumarami ngayon ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa partikular na sa Quezon at iba pang lalawigan kung saan hinahango ang mga baboy.
Sinabi pa ni Dra. Cabel na dapat na magdoble ingat ang publiko sa pagbili ng lechon o karne ng baboy online dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan.—sa panulat ni Angelica Doctolero