Natagpuang patay ang mahigit isang dosenang baboy sa likod ng terminal ng dyip sa Bambang, Nueva Ecija.
Pinaniniwalaang tinamaan ang mga ito ng sakit na African Swine Fever (ASF).
Batay sa ulat, nadiskubre ng mga residente ang mga patay na baboy nang magsimula itong mamaho at langawin.
Agad naman itong ipinagbigay alam umano ng mga residente sa lokal na pamahalaan.
Agad ding inilibing ang mga baboy para makatiyak na maiwasan na ang mga posibleng sakit pa na kumalat mula sa mga ito.
Kasalukuyang inaalam pa ng mga otoridad ang responsable sa pagtatapon ng naturang mga baboy.
Matatandaang bukod sa lalawigan ng Bulacan, Rizal, at Pampanga ay sinabi ng DA na may ilang pang mga lugar silang ilalagay under quarantine upang hindi na kumalat ang ASF.