Nag-aalangan pa rin ang isang eksperto na tuluyan nang ibaba sa alert level 1 ang COVID-19 restriction sa Metro Manila pagsapit ng Marso.
Ayon kay Prof. Jomar Rabajante ng University of the Philippines Pandemic Response Team, kailangan munang pababain sa lima punto anim na porsyento ang positivity rate ng bansa bago luwagan ang Alert levels.
Malapit ito sa limang porsiyento na “benchmark level” ng world health organization o who.
Ang positivity rate na higit sa limang porsiyento ang sanhi kung bakit hindi pa bumababa sa isang libo ang naitatalang COVID-19 cases.
Una nang sinuportahan ng Metro Manila mayors at maging ng doh ang pagbaba pa sa Alert Level 1 ng Metro Manila.
Pero tutol dito ang grupo ng mga doktor dahil posibleng mabigla ang gobyerno sa paglabas ng mga tao. -sa panulat ni Abigail Malanday