Nagbabala ang isang eksperto kaugnay sa mabilis na pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Tony Leachon, Health Reform Advocate, mas makabubuti kung mapapanatili sa alert level 2 quarantine status ang Metro Manila hanggang sa katapusan ng taon.
Ito’y habang patuloy aniya ang vaccination program kontra COVID-19 sa bansa.
Ani Leachon, mas mahalagang matutukan muna sa ngayon ang pagpaparami pa ng bilang ng mga nababakunahan sa halip na madaliin ang pagluluwag ng alert level status.
Binigyang diin din ng eksperto ang pagiging mahigpit pa rin sa pagpapatupad ng mga polisiya partikular sa paggalaw o aktibidad ng publiko sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19.