Patay ang isang empleyado ng Commission on Elections matapos na tumalon mula sa ikatlong palapag ng isang mall sa Cebu City kahapon.
Kinilala ang nasawing lalaki na si Rodrigo Maglasang, apatnapu’t limang taong gulang at nagtatrabaho bilang isang assistant election officer sa bayan ng Tuburan sa Northern Cebu.
Ayon kay SPO2 Wetzel Berry ng Cebu City Police Office-Homicide Section, isang tauhan ng candy store ang nakakita kay Maglasang na pumapanik sa hagdan patungong ikatlong palapag ng mall ats aka ito biglang tumalon at bumagsak sa ground floor.
Nagawa pang maidala sa hospital si Maglasang ngunit idineklara din itong ‘dead on arrival’
Nabatid din na tatlong linggo nang naka-sick leave si Maglasang dahil sa sakit sa baga.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at pamunuan ng mall kaugnay sa insidente.